106

Oct 9, 2017 @ 11:23

Batanes Representative Dina Abad pumanaw na

Sumakabilang-buhay na si Batanes Representative Henedina Abad noong Linggo.

Kinumpirma ito ni House Deputy Speaker Miro Quimbo, ang pinakamataas na opisyal ng Liberal Party sa Kamara, sa kanyang Twitter account kanina.

Our deepest condolences to the family of Rep Dina Abad. She fought every battle like it was her last – with ferocity and integrity. #padayon, pahayag ni Quimbo sa kanyang Twitter

Si Abad, maybahay ni dating Budget secretary Florencio Abad, ay naging kinatawan ng lone district ng Batanes mula 2004 hanggng 2007 at mula 2010 hanggang sa kasalukuyan.

Si Abad ay isa sa 54 kongresista na bumoto sa kontrobersiyal na death penalty bill na siyang naging dahilan ng kanyang pagsipa bilang chiar ng House committee on government reorganization.

Bukod sa  pagiging mambabatas, si Abad ay naging founding dead din ng Ateneo School of Government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?