6

Aug 16, 2020 @ 15:03
By

Batanes inuga ng lindol

Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Batanes kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang pagyanig 57 kilometro southeast sa bayan ng Sabtang nitong alas-10:53 ng umaga, Agosto 16.

Ang tectonic na lindol ay may lalim na dalawang kilometro.

Wika ng ilang residente, may mga napinsalang bahay ang lindol.

Sabi naman ng Phivolcs, inaasahang magdudulot ang pagyanig ng mga aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?