212
earthquake
Feb 26, 2018 @ 20:30
By

Batanes, Cebu, 4 pang lugar niyanig ng lindol

Inugoy ng magnitude 3.6 na lindol ang Mahatao, Batanes gayundin ang Naga sa Cebu, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring ng Phivolcs, alas-6:20 ng umaga nang lumindol sa timog ng Mahatao, may lalim itong 19 kilometro at tectonic ang origin.

Sinundan ito ng 2.7 magnitude na lindol sa Naga na naramdaman alas-6:36 ng umaga.

Nakaranas din ng lindol ang Sarangani sa Davao Occidental na 2.8 magnitude, dakong alas-9:54 ng umaga habang 2.2 magnitude na pagyanig ang naramdaman sa Tineg, Abra ala-1:47 ng madaling-araw, 3.2 magnitude sa Marihatag, Surigao del Sur na naramdaman ng alas-3:20 ng madaling-araw at 3.0 magnitude ang naging pagyanig sa Calayan, Cagayan ng alas-12:00 ng hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, walang dapat na ipangamba sa naganap na pagyanig dahil tectonic lamang ang origin nito at walang inaasahang mga aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?