87

By

Batalyon ng sundalo na lumaban sa Maute Group kinilala ngayong Independence Day

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong araw ng Independence Day ang katapangan at kabayanihan ng “Redskin Battalion”, isang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na lumaban sa Dawiah Islamiyah at Maute Group na sumakop sa Marawi City ng ilang buwan.

Sa kanyang talumpati sa 6th Infantry Battalion headquarters sa Malabang, Lanao del Sur ngayong Miyerkoles ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi lamang ang mga ninuno ang dapat na kilalanin at parangalan sa kanilang ipinakitang sakripisyo at katapangan kundi ang mga matatapang na sundalong lumaban para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Nagagalak aniya siyang ipagdiwang ang ika-121 anibersaryo ng Independence Day sa lugar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na mga dayuhang mananakop ang banta ngayon sa bansa at sa mga Pilipino dahil sa mga bagong hamon gaya ng kahirapan, korapsiyon, terorismo, kriminalidad at iligal na droga.

Ang mga bantang ito aniya ang mitsa sa maayos, ligtas at komportableng pamumuhay ng mamamayan kaya dapat magtulungan at magkaisa para mapanatili ang kalayaang dapat na manahin ng mga susunod na henerasyon

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?