182

Mar 14, 2020 @ 10:34
By

Bataan may 1 kumpirmadong kaso na ng COVID-19

Natapos na ang COVID-19-Free status ng Bataan matapos makumpirma ng Department of Health (DOH) na ang ika-64 na kaso ng COVID-19 ay nasa lalawigan ng Bataan.

Siya ay isang 32 taong gulang na lalaki na residente sa bayan ng Orani at may code name na PH64.

Ayon Kay Bataan Governor Abet Garcia, naka-quarantine na ang pasyente sa isang ospital sa Balanga City at masusing inaasikaso ng mga medical staff ang lahat ng kanyang pangangailangang medikal.

Dagdag pa ng Gobernador, nagsasagawa na ng contact tracing, pangangalap ng impormasyon at masusing imbestigasyon sa mga kaanak ang naturang pasyente ang Bataan Provincial Health Office.

Tiniyak naman ni Governor Garcia na naka-activate na ang Bataan Outbreak Response Team na nagsasagawa ng round the clock fever monitoring at surveillance sa mga papasok sa mga entry point ng lalawigan ng Bataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?