18

Aug 7, 2021 @ 17:55
By

Bataan damay sa ECQ

Isasailalim ang probinsya ng Bataan sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Linggo, Agosto 8 hanggang Agosto 22, ayon sa Palasyo.

Ito umano ay batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago ito, modified ECQ ang quarantine classification na umiiral sa buong lalawigan, na magtatagal sana hanggang Agosto 15.

Ang ilan pang lalawigan at lugar sa labas ng NCR na nasa ilalim ng ECQ ay ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?