213

Mar 29, 2020 @ 8:59
By

Bataan COVID-19 update: 7 positibo, 2 nakarekober

BALANGA, Bataan – Nagpalabas ng datos ang Provincial Hospita Office ng Bataan patungkol sa dalawang pasyente na kumpirmado sa COVID-19 positive na nakarekober.

Nauna nang naka-recover si PH64 M32 at ngayon naman ay si PH303 M24. Sila ay parehong inilipat sa isang pasilidad na itinalaga ng DOH para dun tapusin ang 14 araw na post admission quarantine bago sila muling isailalim sa testing.

Ayon pa rin sa bagong datos na inilabas, umaabot na sa pito ang nagpositibo sa virua sa Bataan.

Matatandaan noong Biyerner (Marso 27) ay kinumpirma ni Dra. Rosanna Buccahan, hepe ng Provincial Health Office, ang bagong tatlong pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 base sa resulta ng tests na isinagawa sa kanila na nasa isang ospital din sa Balanga City at nasundan pa ng panibagong tatlo pa na mula sa mga Bayan ng Abucay, Samal at Mariveles.

“Ang mga nasabing pasyente ay nasa maayos na kalagayan at patuloy na binibigyan ng karampatang atensyong medikal. Dahil dito, mas pinaigting pa ng DOH, PHO, MHO at CHO ang isinasagawang masusing contact tracing sa mga nabanggit na pasyente.” ayon kay Buccahan.

Sa pinakahuling datos naman nitong araw ng Sabado (Marso 28) ay nakumpirma ang ika-pito na nag positibo, ito ay isang babaeng doktor na nasa edad 70.
Lumabas sa contact tracing na nagkaroon sila ng mga panauhin sa kanilang tahanan sa Balanga City na nagmula sa Maynila noong ika-10 ng Marso at matapos nito nakaramdam na ito ng nilagnat, sinipon, ubo, pagsakit ng lalamunan at nahihirapang huminga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?