112

Feb 3, 2020 @ 15:01
By

Bataan, Aurora dineklarang ‘drug-cleared’ sa buong Luzon

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug-cleared provinces ang mga lalawigan ng Bataan at Aurora sa ginanap na Bataan People’s Center sa Balanga City kamakalawa.

Kauna-unahan ito sa Central Luzon at sa buong island of Luzon sa taong ito, ayon kay PDEA 3 Regional Director Lyndon Aspacio.

Pinangunahan ito at dinaluhan nina Central Luzon Police Director, Police Brig. General Rhodel Sermonia at Bataan Police Director, Police Col. Villamor Tuliao, Bataan Governor Abet Garcia at Aurora Acting Gov. Christian Noveras.

Ang pormal na deklarasyon kasabay ng ika-50 taong kaarawan ni Gov. Abet Garcia ay ginanap sa Bataan People’s Center kung saan dumalo bilang mga guest speakers at guest of honors sina Deputy Chief PNP for Operations, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, at DILG Usec. Martin Diño kasama ang mga opisyal ng PNP, PDEA at DILG.

Sinaksihan din ito ng mga barangay official at drug reformists mula sa pitong lalawigan ng Central Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?