5

Aug 22, 2020 @ 11:51
By

Bata sumuong sa creek para magligtas ng aso

Hindi alintana ng isang batang lalaki ang panganib sa pagsuong sa creek para lang masalba ang isang nahulog na aso.

Sa Facebook post ng netizen na si Nini Ragos, binahagi nito kung papaanong niligtas ng isang bata ang aso sa creek ng Amparo Subdivision, Caloocan.

Napansin nilang nasa gitna ng creek ang isang aso na nanginginig dahil basang-basa ng tubig.

“We found this mama dog early rhis morning in the middle of the creek ginaw na ginaw na, hindi makakilos takot na takot,” saad ng netizen.

“Mukhang matagal na sa tubig magdamag pa naman ang tikatik na ulan, naghanap kami ng puwede tumulong,” aniya pa, kung saan nila natagpuan ang bata na bumaba sa creek para sa aso.

Ayon kay Ragos, may anim pa palang puppy ang naturang aso na nagpapadede pa.

Nasa pangangalaga ng kapitbahay ng may-ari ang naturang aso dahil wala umano ang amo nito, at nais ng netizen na ma-rescue ang aso dahil tila sinasaktan umano ito dahil may mga pasa ang katawan at hindi rin makalakad ng maayos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,