34

Oct 8, 2021 @ 16:36
By

Bata, senior citizen puwede na rumampa

Maaari nang makalabas ang mga kabataang 18 pababa, senior citizens edad 65 pataas at mga indibiduwal na nakakumpleto na ng bakuna sa ilalim ng point-to-point interzonal travel.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ilabas ng Inter-Agency Task Force ang bagong polisiya para sa interzonal travel sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Ayon kay Roque, kabilang sa mga maaaring makabiyahe ay mga indibiduwal na mayroong comorbidities subalit kumpleto na sa bakuna, pati na ang mga buntis.

“The IATF inserted new provision in the guidelines on the Pilot Implementation of Alert Level System for COVID-19 response in the National Capital Region by allowing thise below 18 years old, fully vaccinated individuals over 65 years old, fully vaccinated individuals with comorbidities or other health risks, fully pregnant women point to point interzonal travel under GCQ and MGCQ,” ani Roque.

Gayonman, kinakailangan pa ring sundin ang health protocols at panuntunan ng Department of Tourism at local government units sa mga lugar na pupuntahan ng mga lalabas at bibiyahe batay sa inilabas na panuntunan ng IATF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?