90
Depress na lolo, nagbigti
Jan 27, 2020 @ 15:03
By

Bata patay sa larong bigti-bigtihan

Patay na nang matagpuan ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos umano nitong aksidenteng mabigti ang sarili habang naglalaro, Sabado ng gabi sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang nasawing biktima na si John.

Natagpuan itong na nakabigti gamit ang plastic straw na nakapulupot sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay nakatali sa ginagawang kongkretong bakod.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:30 ng gabi nang madiskubre ng isang Jeffrey ang bangkay ng biktima sa Barangay San Isidro ng nabatid na bayan.

Sinubukan pang isugod sa H-Vill Hospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Ayon sa saksi, posibleng aksidenteng nabigti ang biktima nang madulas at mahulog sa tinutungtungang bakod.

Dagdag pa ng saksi, bago ang pagkakatagpo niya sa bangkay ng biktima ay narinig umano niya itong niyaya ang dalawa niyang anak na maglaro ng “bigti-bigtihan” subalit hindi niya umano pinayagan ang dalawa niyang anak dahil papadilim na.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng biktima. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?