96

By

Bata patay sa banggaan ng kotse at tricycle sa La Union

Patay ang isang 8 taong gulang na lalaki habang malubhang nasugatan ang tatlo pa matapos suwagin ang kanilang tricycle ng isang kotse sa national road ng Barangay Gen. Priam West, Bangar, La Union noong Linggo.

Kinilala ng Bangar Police Station ang namatay na si Kiefer Carl Defonturom, ng Barangay Luzong Norte, sa nasabing bayan.

Samantala, ang mga sugatan ay si Mariano Morta Jr., 43, may asawa, tricycle driver, at pasahero nitong sina Aurelia Morta, 85, at Victoria Defobturom.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungo ng hilagang direksyon ang kotse na minamaneho ni Jay-m Masenas, na tubong Indang Cavite.

Nang-agaw umano ang kotse ng linya kaya nabangga nito ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon si Defonturom ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Tumama ang katawan at ulo niya sa kongkretong semento na dahilan ng agaran niyang kamatayan bago nadala sa Taguidin District Hospital sa Ilocos Sur.

Nakakulong si Masenas at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple serious physical injuries at damage to property.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?