63

Oct 21, 2017 @ 15:48

Bata patay, 2 pa sugatan kay ‘Paolo’

Patay ang isang anim na taong gulang na bata habang sugatan ang dalawa pa matapos mabagsakan ng natumbang puno sa lalawigan ng Sulu.

Kinilala ang nasawi na si Azizah Ganih, habang nasugatan naman sina Aldren Jamel Pedring, 8, at Arnisa Pedring, 6.
Sa ulat ng PNP-Sulu, dahil sa sama ng panahon sa lugar dulot ng bagyong ‘Paolo’, nabuwal ang isang puno at bumagsak sa mga bata.

Nasa 193 mga bahay ang nasira at 51 ang totally damaged dahil sa sama ng panahon.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga lugar na apektado ng bagyong Paolo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?