6
sailing1
By

Bata nina Echauz, Altura bokya sa Jakarta

Sharing is caring!

Hindi umubra ang mga bataan nina Philippine Sailing Association chairman Ernesto Echauz at president Claudio Altura sa ginanap noong Hunyo 18-25 na 17th Asian Sailing Championships 2018 sa West Ancol, Jakarta, Indonesia.

Lumagak lang na ika-12 puwesto si Vietnam 2017 RS: One world championship gold medalist Geylord Coveta sa 20 naglaban sa RS:X Male division sa total 136.0 points at nett 119.0 markers tapos maka-12.0, 15.0, 13.0, 10.0, 11.0, (17.0), 15.0, 15.0, 5.0, 6.0, 10.0, at 7.0 sa races 1-12.

Sorpresang nakaungos pa sa 36-anyos at tubong Mabini, Batangas ang hindi gaanong inaasahang kababayan niyang si Yancy Kaibigan na may total 124.0 at nett 110.0 mula sa una hanggang ika-12 hagaran sa karagatan na 6.0, 8.0, 10.0, (14.0), 9.0, 8.0, 11.0, 14.0, 14.0, 12.0, 8.0, 10.0, 124.0, at 110.0

Pakitang-tikas pa ang mga kapitbahay ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya sa 8 araw na paligsahan ang Thailand na may 2 gold, 2 silver at 2 bronze medals. May 1-0-0 ang Singapore, Malaysia 0-2-2, at host Indonesians 0-0-1.

Bahagi ito ng paghahanda ng Pinoy sailors sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 na 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?