181

Dec 26, 2019 @ 17:46
By

Bata nawalan ng 2 daliri sa paputok

Ilang araw pa bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, isang 7-anyos na bata ang natanggalan ng dalawang daliri matapos maputukan sa General Trias, Cavite.

Ayon sa Department of Health, dinala ang biktima sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan inalis ang palasinsingan niya at hinliliit sa kaliwang kamay.

“He was an active user injured by an unknown firework from December 24 at around 9:30 a.m. and sought consult at the UP-PGH at 1:15 p.m. the same day. He was diagnosed with mangled left hand secondary to blast injury. His left ring and small fingers were amputated. He remains admitted,” sabi sa statement ng DOH.

Samantala, umabot na sa 19 ang fireworks-related injuries na nai-record ng kagawaran mula Disyembre 21 hanggang nitong Disyembre 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?