54
Granada
By

Bata, nasabugan ng granada na inakalang laruan

Sharing is caring!

Isang pitong taong gulang na bata ang nasawi matapos na masabugan ng granada na inakala niyang laruan sa Bulalacao, Oriental Mindoro nitong Martes.

Base sa salaysay ng tatay ng biktima na si Glen Osorio, nakita niyang nag-uwi ang kanyang anak na si Glenrey ng metal na bagay sa kanilang bahay sa Barangay Nasucob.

Galing aniya ang M203 grenade sa isang bakanteng lote malapit sa kanila.

Ang akala ng bata ay laruan ang napulot nitong granada kaya pinukpok niya ito hanggang sa sumabog.

Isinugod sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor duon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?