75

Dec 28, 2017 @ 11:25
By

Bata nasabugan ng baby rocket, sugatan

Tatlong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umakyat na sa sampu ang bilang ng mga nabiktima ng paputok na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa lungsod ng Maynila.

Pinakabago sa mga nabiktima ang isang bata na tinamaan ng baby rocket at dalawang nadale ng piccolo.

Pawang menor de edad ang lahat ng dinala sa nabanggit na pagamutan.

Sa kabila naman nito itinuturing pa rin ng JRMMC na kakaunti ang nabanggit na bilang kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2016. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?