14

Jan 22, 2021 @ 12:33
By

Bata naputukan ng sumpak, todas

Patay ang isang 5-anyos na bata matapos maputukan ng sumpak sa Pidigan, Abra.

Ayon sa imbestigasyon, naglalaro ang 5-anyos kasama ang dalawa pang bata nang ibato niya ang tubo.

Lingid sa kaalaman ng bata na improvised shotgun pala ito.

Pumutok ang sumpak at tinamaan ang bata sa likod na sanhi ng kanyang pagkasawi.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng sumpak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?