82

By

Bata nalunod, 35 ligtas sa bangkang lumubog sa Quezon Province

Sharing is caring!

Nasawi ang isang bata matapos ang paglubog ng isang motor banca sa San Francisco, Quezon nitong Sabado ng umaga.

29 pasahero naman ang naligtas ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang ang limang crew ng bangka, na nangyari ang paglubog habang papunta ito sa Sombrero Island sa Masbate.

Ayon sa panayam ng dzMM kay PCG spokesperson Captain Armand Balilo, kanyang idinetalye ang nangyaring insidente sa nasabing bangka.

Isa lang ho yung nakakalungkot na nasawi at ito ay bata. Yun lang ang main information na meron tayo pero sa oras na ito, all accounted na po lahat yung sakay nung nasabing banka,” pakli ni Balilo.

“Hindi pa namin matiyak kung gaano kalaki itong bangka, pero titingnan natin ito pagkatapos mag-attend doon sa mga tao na mga survivors,” dagdag pa niya.

Nasa Sitio Mayantoc na ang mga survivor at labi ng bata, na hindi pa tiniyak ang pagkakakilanlan, at tiningtingnang anggulo kung overloaded ba ang bangka na maaaring naging dahilan ng paglubog nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?