29

Feb 23, 2021 @ 21:54
By

Bata binoga ng kalaro sa Cotabato, todas

Utas ang isang batang babae sa South Cotabato matapos matusta ang buong katawan nang maboga siya ng kanyang kalaro.

Kinilala ang nasawi na si Michaella Ledesama, 5-anyos.

Kuwento ng ina ng biktima, dalawang linggo pa nanatili sa pagamutan ang bata bago ito pinayagang makauwi sa bahay at doon ipagpatuloy ang pagpapagaling.

Aniya, matinding hirap ang naranasan ng bata tuwing nililinisan niya ang mga sugat nito.

Anang magulang, salarin umano ang 8-anyos na kalaro ni Michaella.

Hinala pa nila, may sinaboy pa umano sa damit ng bata bago ito pinaputakan ng boga kaya natusta ang buo niyang katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?