136

By

Ba’t ‘di na lang gawing head coach? Devance naguluhan kay Dickel, TNT

Ano ba talaga si Mark Dickel, active consultant o head coach?

‘Yan ang gulong tanong ni Ginebra veteran Joe Devance dahil sa kanyang obserbasyon, tila si Dickel na ang nagsisilbing coach ng TNT KaTropa.

“Active consultant” means Head Coach or nah? Why cant he just be named the head coach?” saad ni Devance.

May ilang sumang-ayon kay Devance, habang ineksplika naman ng netizens kung bakit bawal maging coach si Dickel ng isang PBA team.

Ito ay dahil sa regulasyon ng Basketball Coaches Association of the Philippines na nagbabawal sa mga banyaga na maging head coach sa local professional league.

Exception sina Tim Cone at Norman Black, na matagal nang namalagi sa ‘Pinas at si Black ay nakapangasawa ng Pinay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?