4

‘Basyang’ patungo na ng southern Palawan – PAGASA

Sharing is caring!

Patuloy sa kanyang paggalaw si Tropical Depression Basyang patungong timog na bahagi ng Palawan nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa 7:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 255 kilometro ng timog ng Cuyo, Palawan o 310 west southwest ng Dumaguete City sa Negros Oriental.

May dalang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 60 kph si ‘Basyang’ habang patungo ng west southwest sa bilis na 26 kph.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall si ‘Basyang’ sa timog ng Palawan ngayong Miyerkoles ng gabi at tatawid sa isla hanggang Huwebes ng umaga saka tutungo sa West Philippine Sea.

Lalabas umano ito ng Philippine Area of Responsibility, Biyernes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?