75

Jan 28, 2020 @ 13:21
By

Basura pwedeng kuhanan ng kuryente, gasolina – Tolentino

May pakinabang sa basura – ito ang sinabi ni Senador Francis Tolentino kasunod ng paghain nito ng isang panukala na naglalayong gamitin ang garbage o basura bilang source ng kuryente at gasolina.

Sa ilalim ng Senate Bill 4010 o “An Act Allowing the Use of Waste to Energy Technology in Electricity, Fuel and Heat Generation, and for Other Purposes,’ na inihain ni Tolentino, binigyang-diin nito ang problema sa hindi tamang pagtapon ng basura na nakakadagdag sa environmental problem ng bansa.

Ayon sa pag-aaral ng Japan International Corporation Agency (JICA), sampung porsiyento lang ng mga local government unit (LGU) ang talagang sumusunod sa sanitary landfill method na alinsunod sa R.A. No. 9003.

“The situation would worsen as around 80 to 90 percent of the capacity if the constructed sanitary landfills have already been utilized and is projected to be at full capacity within the next five years,” sabi ni Tolentino.

Kasabay ng problema sa pagtapon ng basura, ayon sa senador, ay ang paparating na krisis sa larangan ng enerhiya.

Sabi ni Tolenitno, ramdam na aniya ito sa pamamagitan ng rotational brownout na ipinapatupad ng mga electric supplier sa ilang bahagi ng bansa at ang tumataas na halaga ng kuryente bunsod ng kakulangan ng suplay nito.

Para maresolba ang problema sa pagtatapon ng basura at kakapusan ng suplay ng enerhiya, iminungkahi ni Tolentino ang paggamit ng ‘waste to energy technologies’ kasunod ng desisyon ng Supreme Court sa kaso ng Metropolitan Manila Development Authority vs Jacorn Environmental Corporation kung sinabi doon na hindi ipinagbabawal sa ilalim ng RA 8749 o Clear Air Act ang paggamit ng inceneration bilang paraan ng waste disposal.

“There have been several attempts to establish waste to energy facilities which were even backed by the national government and local government units but which ever pushed through because of legal impediments,” ayon kay Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?