4

Jun 10, 2021 @ 19:45
By

‘Basura palit grocery’ inilunsad ng MMDA

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Huwebes, June 10 ang “Recyclable Mo, Palit Grocery Ko”.

Sa programa, maaaring papalitan ng mga residente ang mga basurang maaari pang pakinabangan tulad ng mga karton, bote at papel ng mga grocery gaya ng de-lata, instant noodles at bigas sa kani-kanilang barangay.

Ang maiipong recyclable materials sa mga barangay ang siya namang kokolektahin ng Mobile Materials Recovery Facility (MMRF).

“We hope to teach barangay leaders and residents how they can reduce their waste instead of indiscriminately dumping or throwing their trash along the streets and waterways,” pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa paglulunsad ng MMRF ng ahensiya.

Ang makukuha at matutubos na mga puntos ng bawat residente ay itatala sa kanilang Ecosavers Passbook.

Target ng MMDA na makipag-alyansa sa mga accredited junk shop para bilhin ang makokolektang recyclable material mula sa mga barangay.

Gagamitin naman ng ahensiya ang napagbentahan para ipambili ng mga ipinamamahaging grocery item.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?