110

Oct 31, 2017 @ 16:13

Basura, bitbitin pagkagaling sa sementeryo – Castelo

Nakikiusap si Quezon City Rep. Winston Castelo sa mga Pilipino na huwag mag-iwan ng mga basura sa pagdalaw sa mga sementeryo.

Ayon kay Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila development, dapat maging garbage-conscious ang mga tao.

“As we remember the dead  on All Souls Day, let us also not forget to be garbage-conscious so we can help promote clean environment,” pakiusap ni Castelo.

Ginawa ng kongresista ang paalala sa harap nang inaashang pagdagsa ng milyong mga Pilipino sa iba’t ibang sementeryo sa buong bansa kabilang sa Metro Manila para dalawin ang mga namayapang mahal sa buhay.

Dahil parte ng tradisyon ang reunion o pagsasama-sama ng magpa-pamilya sa mga sementeryo, nakagawian na ang pagbabaon ng pagkain.

Sabi ni Castelo, kadalasang iniiwan na lang sa sementeryo ang basura at patunay dito ang mahigit 1000 tonelada o 168 trucks nang nakolektang basura pagkatapos ng Undas.

Mungkahi nito, pag-isipan kung ano ang mga dadalhin sa sementeryo at kung anong gagawin sa mga ito pagkatapos dumalaw sa puntod.

Binanggit ng mambabatas na noong nakaraan taon, karamihan sa nakolektang mga basura ng MMDA sa mga sementeryo ay styro, plastic cups, iba’t ibang klase ng papel at plastik at iba pang disposable materials.

“That’s why It’s very important for people to be mindful of what they are going to bring to the cemeteries and how they plan to deal with it after the celebration,” sabi ni Castelo.

“Garbage is easy to manage when you have bags to contain them,” paaala ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?