24

Sep 19, 2020 @ 12:45
By

Bastusan sa botohan! LeBron nabanas sa MVP result

Hindi kinimkim ni LeBron James ang kanyang pagkadismaya sa naging resulta ng botohan para sa 2019-20 NBA MVP.

Matapos ang laban ng LA Lakers kontra Denver Nuggets, tinanong si ‘King James’ kung ano ang kanyang naging reaksyon na tumapos lang siyang second place sa ilalim ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo para sa MVP race.

“It pissed me off. That’s my true answer,” giit ni LeBron.

Aniya, tila hindi makatarungan na 16 lang ang bumoto sa kanya para maging MVP, malayo sa 85 na pumabor para kay ‘Greek Freak’.

“It pissed me off because out of the 101 votes I got 16 first place votes. That’s what pissed me off more than anything,” lahad pa ng NBA superstar.

Nilinaw naman ng four-time NBA MVP na hindi niya sinasabing hindi deserving si Giannis sa naturang parangal, at ang kanyang nirereklamo lang ay ang baba ng nakuha niyang boto.

“Some things are just out of my hands. Some things you can’t control.”

Nag-average ng 25.3 points, 10.2 assists at 7.8 rebounds si LeBron sa regular season, at inakay ang Lakers sa Western Conference Finals kung saan tatlong panalo na lang ang kanilang kailangan para makatungtong sa NBA Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?