1,117
Bastos putback slam! Thirdy pinanis si Japeth
By

Bastos putback slam! Thirdy pinanis si Japeth

May patikim ang Ateneo highflyer na si Thirdy Ravena sa mga posible niyang gawin sa huling window ng 2019 Fiba World Cup Asia qualifiers.

Sa kuhang video ni Jameson Sangel at Chuck Araneta, makikita kung paano lumundag para sa putback slam si Ravena para maagawan ng rebound ang Team Pilipinas mainstay na si Japeth Aguilar.

Napahiyaw maging ang dating NBA journeyman na si Andray Blatche sa impresibong dakdak ni Thirdy.

Sa inanunsyong lineup ay kasama ang pangalan ni Thirdy sa final roster para sa lalaban kontra Qatar sa Pebrero 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?