91
Bastos na poster, pineke – Unilab
By

Bastos na poster, pineke – Unilab

Sharing is caring!

Isang advertisement poster na nag-viral sa Facebook ang gumawa ng ingay dahil sa kalaswaang nakapaloob dito.

Makikita sa poster ng Bioflu na nakasulat ang: “Flu Relief Na ‘Di Nakakant*t.”

Dahil sa nasabing isyu, naglabas na ng pahayag ang Unilab para masagot pabulaanan ang nag-viral na post.

“We would like to inform the public that the malicious image circulating in social media is a fake photo, which was not directly or indirectly, created and released by Bioflu Non-Drowsy or by Unilab, Inc,” ayon sa statement ng Biogesic.

“The brand/company does not use vulgar language in any of its communication and ad materials,” dagdag pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?