117

Feb 7, 2020 @ 19:33
By

Bastos! Chinese na nandura ng pulis gustong upakan ni Ejercito

Nanggigigil si dating senador JV Ejercito sa Chinese na nandura ng pulis dahil binastos nito ang buong kapulisan at dangal ng Pilipinas bilang isang bansa.

Sa kanyang tweet sinabi ng dating mambabatas na dapat daw makulong ito at huwag palagpasin ang ginawa.

Kapag nakita raw niya ito ay siya mismo ang uupak dito.

“Yung Mainland Chinese na nandura ng pulis ay dapat ikulong! Wag palagpasin! Pag makita ko yan ako mismo uupak sa ungas na yan! Binabastos niya ang buong kapulisan at ang ating dangal bilang bansa!” tweet ni Ejercito nitong Pebrero 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?