238

Dec 19, 2017 @ 15:25
By

Baste panlaban ni Vic kina Ricky ni Coco at Carlo ni Vice

Marami ang nakakapansin na mga bata ang ginagawang lucky charm nina Vice Ganda at Coco Martin para sa ikatatagumpay ng kani-kanilang pelikula sa darating na MMFF 2017.

Kapansin-pansin na sa mga ikot ni Coco para i-promote ang kanyang kauna-unahang directorial job na siya rin ang bida na Ang Panday ay karga-karga niya ang batang si Ricky Boy na kung hindi mo kilala ay mapagkakamalang anak ng Kapamilya Primetime King.

At siyempre, hindi rin pakakabog ang The Unkabogable Star dahil sa mga promotional activities din ng Gandarrapiddo: The Revenger Squad, bitbit din niya ang paborito niya ngayong ‘laruan’, ang Gigil Kid na si Carlo Mendoza.

Pero teka, palalamang din ba si Bossing Vic Sotto? Hindi lamang one but two naman ang batang itinuturing niyang magdadala ng suwerte sa entry naman niyang Meant To Beh – ang cute na si Baby Baste at ang baby naman nila ni Pauleen Luna na si Talitha na laging niyang ipinagmamalaki.

Totoo naman, dahil ang Pasko ay para sa mga bata, kaya dapat lang na isa sa mga selling factors ito ng kahit anumang entries sa MMFF. Sabi nga kasi, basta may bata, masaya ang buhay at may hatak sa manonood, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?