24

Jul 21, 2021 @ 19:23
By

Baste Duterte sapol ng COVID

Nagpositibo si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa coronavirus disease.

Kinumpirma ito ngayong Miyerkoles ng utol niyang si Mayor Sara Duterte-Carpio sa pamamagitan ng Facebook post.

Kaya naman nagkita na lamang ang pamilya Duterte sa pamamagitan ng video call.

“Sa ngayon, via video call muna ang family kumustahan nang malaman naming positive sa Covid-19 si Vice Mayor Baste. Get well soon Vice! Smile,” saad ni Duterte-Carpio.

Sa ibinahagi niyang screenshot ng video call, makikita siya kasama ang mga kapatid na sina Davao City First District Rep. Paolo Duterte at Baste, at kanilang mga magulang na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Elizabeth Zimmerman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?