109

Mar 16, 2020 @ 19:04
By

Baste Duterte naka-quarantine sa COVID-19

Naka-self quarantine ang anak na lalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, nagkaroon ang kapatid niyang bise alkalde ng sore throat, ubo at flu.

“So he is a PUM,” saad ni Mayor Sara na tinutukoy ay ang “Persons Under Monitoring” tag ng Department of Health.

“I suggested that he skip the testing because we lack test kits. Hopefully, he does not have COVID-19. Get well, soon,” dagdag pa niya.

Nitong Lunes, Marso 16, kabuuang 18 katao na ang persons under investigation habang 64 PUM ang naitala sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?