18

Jul 14, 2020 @ 9:27
By

Basta makadaldal, Jennylyn okay lang ma-bash

Mabuti nang ma-bash kaysa hindi makapaglabas ng saloobin sa mga isyu, ayon kay Jennylyn Mercado.

Tugon niya ito nang pangaralan siya ng isang netizen dahil sa pagkomento niya, isang Kapuso actress, sa ABS-CBN shutdown.

“Hindi masama ang magbigay ng opinyon, better maging neutral ka na lang para iwas bashing. At the end of the day, your (sic) not kapamilya star,” ayon sa netizen.

“But I am a Filipino and that alone is enough,” sabat ni Jen sa Twitter kahapon.

“To be neutral or silent in times of injustice is injustice.”

“If being “bashed” is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech. Then I am fine with it,” bigkas pa niya.

Kahapon, naglabas si Mercado ng kanyang saloobin sa pagbasura ng Kamara sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.

May sey si Jen sa mga nagdalamhati at nagbunyi sa network shutdown, at sa mga Pinoy na “pinatatahimik” siya.

Kinamusta rin niya ang mga kawani ng gobyerno na lumabag sa coronavirus protocol, gaya nina Metro Manila police chief Debold Sinas, Senador Koko Pimentel, at OWWA Deputy Administrator Mocha Uson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?