15

Nov 19, 2021 @ 15:38
By

Basta bakunado, swab test hindi na kailangan sa Ilocos

Maari nang makapamasyal sa Ilocos Norte ang mga bakunadong turista galing sa lugar na nasa Alert level 1-3.

Ayon sa pahayag ng provincial government, ang mga nais bumista ay kinakailangan lang na magpakita ng kanilang vaccination card upang patunay na sila ay ganap ng nabakunahan.

Dagdag pa nila, kailangan ding sumailalim ng mga ito sa masusing health check up pagkadating sa lugar.

Samantala, ang mga hindi pa nababakunahan, mga partially vaccinated, at mga turista mula sa lugar na nasa Alert level 4 ay kinakailangang kumuha ng alinman sa mga sumusunod na pagsusuri: RT-PCR na kinuha sa loob ng 72 oras; pagsusuri ng antigen sa loob ng 24 na oras; o isang antigen test sa pagdating.

Ang lahat ng nais na bumisita ay dapat ipakita ang kanilang mga valid ID, kumpirmadong booking mula sa akreditadong accommodation, at individual QR code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?