155
Basketbrawl: Tautuaa nanapak, Reyes duguan

Basketbrawl: Tautuaa nanapak, Reyes duguan

Kahit pa tuneup game, nagkaroon ng bangasan sa pagitan ng mga manlalaro ng NorthPort Batang Pier at Columbian Dyip.

Tatlong players ng Batang Pier kabilang si Stanley Pringle ang umano’y sangkot sa gulo.

Sa report na unang nakarating sa Spin.ph, nag-agawan umano  sina Jay-R Reyes at Pringle para sa rebound.

Nagpambuno ang dalawa hanggang sa sahig kaya kinailangan silang paghiwalayin ng kani-kanilang mga kakampi.

Lamang ang NorthPort sa Colombian Dyip, 87-64, sa nalalabing pitong minuto ng fourth quarter nang mangyari ang insidente.

Ayon pa sa report, matapos mapaghiwalay sina Pringle at Reyes ay biglang sumulpot si NorthPort center Mo Tautuaa at binigyan ng straight punch sa mukha si Reyes para dumugo ang ilong nito.

Dinala pagkatapos si Reyes sa Cardinal Santos Hospital para gamutin ang dumugong ilong, ayon pa sa report.

Kasakuluyang nasa two-week break ang mga aksiyon sa PBA upang bigyang-daan ang sixth and final.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?