8

Oct 4, 2020 @ 21:32
By

Basketbolista torpe – Yap

Itinanggi ni Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. na bolero ang mga basketbolista, sa halip ay natotorpe pa nga aniya sila kapag kaharap na ang mga byuting Eba.

Depensa ito ng Rain or Shine Elasto Painters shooting guard nang mag-guest sa “Gabing Gabi na Vice” vlog ng komedyanteng si Vice Ganda nang mausisa ang ex ni Queen of all media Kris Aquino na babaero ang mga basketball player.

“Hindi. Hindi totoo’ yun,” giit ng 38-anyos, may taas na 6-2 na veteran guard-forward nitong Linggo. Hinirit na torpe at umuurong pa nga ang buntot ng karamihan sa kanila tuwing nakakakita ng mga chika-babe.

“Kapag nakakita kami ng magaganda, natotorpe kami. Na-intimidate kami sa babae,” pag-amin pa ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) standout buhat sa UE Red Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?