38

By

Basketbol nauwi sa krimen sa Maynila

Patay ang isang truck driver matapos tadtarin ng saksak ng isang 26-anyos na lalaki nang magtalo ang dalawa sa basketbol sa Tondo, Manila, Lunes ng hapon.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District Homicide Section, nagsuntukan ang biktimang si Irineo Peñalosa 47, at suspek na si Jonel Sta. Ana nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang basketball game sa Tondo.

Nang awatin ang dalawa, umuwi ng bahay si Sta. Ana habang nagtungo naman sa kalapit na convenience store sa Parola Compound si Peñalosa.

Dito nilapitan ni Sta. Ana ang biktima saka pinagsasaksak.

Naitakbo pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital ang biktima pero namatay din kalaunan habang nakatakas si Sta. Ana.

Naaresto ang suspek ng mga miyembro ng Moriones Police Station sa isinagawang follow-up operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?