17

Nov 9, 2021 @ 14:06
By

Basketball, zumba sa Mandaluyong papayagan na

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City noong Lunes na ang pagsasagawa ng basketball event at Zumba sa barangay ay itatalaga sa kani-kanilang barangay official.

Sinabi ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na habang ang Inter Agency Task Force (IATF) ay nakapag-isyu ng guidelines para sa mga professional basketball game, ang Metro Manila Council (MMC) ay nagpulong para naman sa paglalaro ng basketball para sa barangay level.

Base sa konsultasyon sa IATF, napagpasyahang papayagan ang paglalaro ng basketball hangga’t lilimitahan ng barangay ang bawat laro hanggang dalawang oras.

Dagdag pa rito, kinakailangan pa ring obserbahan ang health and safety protocol sa bawat laro. Tanging ang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makilahok.

Samantala, maaari na magsagawa ng klase sa Zumba kahit walang suot na face mask kung dalawang metrong pagitan ang layo ng bawat indibidwal.

Ayon pa sa alkalde, ang pamahalaang lungsod ay maglalabas ng resolusyon na naglalaman ng mga alituntunin para sa nasabing mga aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?