anne-donovan

Basketball Hall of Famer Anne Donovan, pumanaw na

Sharing is caring!

Sumakabilang buhay na ang Women’s Basketball Hall of Famer na si Anne Donova dahil sa atake sa puso. Siya ay 56 anyos na.

Si Donovan ay two-time Olympic gold medalists noong 1980s at naging coach ng U.S. women’s basketball team na nakakuha ng ginto sa 2008 Olympics.

Kinumpirma ng pamilya ni Donovan ang pagkamatay nito.

Si Donovan ay nailuklok sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame noong 1995. Bahagi siya ng inaugural class ng Women’s Basketball Hall of Fame noong 1999 at napasama sa FIBA Hall of Fame sa 2015.

Ang 6-foot-8 center na si Donovan ay nag-coach din sa college at sa WNBA.

Siya ang unang babaeng coach at pinakabatang coach na nanalo ng titulo sa WNBA kung pinamunuan niya ang Seattle Storm sa kampeonato noong 2004.

Hinawakan din niya ang Indiana Fever, Charlotte Sting, New York Liberty at Connecticut Sun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?