46

By

Basketball court sa QC, sagabal sa kalsada

Isang concerned netizen ang nagreklamo sa nag-viral na larawan kung saan makikita nakatayo ang full-sized basketball court sa gitna ng kalsada.

Sa Twitter ay kumalat ang larawan kung saan napag-alaman na ito ay sa Scout Torillo corner Scout Borromeo.

Isa pang Twitter post ang nagpakita ng aktuwal na paglalaro ng kabataan sa nasabing basketball court.

Sa post naman ng Barangay South Triangle sa Facebook, nalaman na ito ay para sa ‘Basketball Madness 2019’ ni Barangay Captain Pedro Battung Jr.

Isang video ang nagpakita na tinanggal na ang court, at sinabing temporary lamang ito at one-day trial lamang para sa mga kabataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?