53

Basketball brothers: Wade, Haslem nagpalitan ng jersey

Sharing is caring!

Kumuha na atensiyon kanina pagkatapos ng laban ng Cleveland at Miami ang palitan ng jersey sa pagitan ni Dwyane Wade at ang lone-time teamate nitong si Udonis Haslem.

Matapos talunin ng Cavs ang Heat, 108-97, lumapit si Wade kay Haslem ang sinabing magpalitan sila ng jersey bilang palatandaan ng kanilang pagkakaibigan.

Hindi na nagdalawang isip si Haslem, hinubad ang kanyang No. 40 at inabot sa kanyang matalik na kaibigang si Wade na ibnigay din ang kanyang No. 9 jersey.

“I get a lot of credit for all the things I did in Miami, but No. 40 was right next to me along the way,” pahayag ni Wade.

“He talked me off the ledge a lot of times. I talked him off the ledge a lot. We’re brothers away from the game of basketball and he was one of the first men that I told I love him,” dagdag pa nito.

Mahigit 13 taong naglaro si Wade sa Miami kung saan nabigyan niya ito ng 3 championships kasama si Lebron James at Chris Bosh.

Matapos maglaro ng isang season sa Chicago Bulls, pumirma si Wade ng isang season sa Cleveland bilang isang reserve guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?