133

Dec 15, 2017 @ 10:25
By

Basilan vice mayor sinuspinde ng Ombudsman

Suspendido nang anim na buwan na walang bayad ang dating alkalde ng Lamitan, Basilan matapos na mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct.

Batay ito sa kautusan ng Office of the Ombudsman na kung saa’y nakasaad ng pagpataw nang anim na buwang suspensiyon kay dating Lamitan, Basilan mayor at ngayo’y vice mayor na si Roderick Furigay.

Bukod kay Furigay, napatunayan ring guilty sa kasong simple misconduct at suspendido ng isang buwan sina Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Florence Herrera, Acting City Accountant Nilo Sotto, at BAC members na sina Ignacio Enriquez, Olivia Ablao, at Raquel Hibionada.

Lumitaw sa imbestigasyon, taong 2012, binayaran umano ng mga respondent ng halagang P548,256 ang HHH Developer at Real Estate, Inc. (HDRI) para sa supply ng construction materials kaugnay sa Kulay-Bato Boat Landing Project at P175,000 para naman sa Furigay College, Inc. (FCI), para sa limang araw na scuba diving course bilang bahagi ng geographical protection and awareness program nito.

Ngunit natuklsan ng Ombudsman na si Furigay ay malapit sa may-ari at incorporators ng HDRI at FCI.

Bukod dito, sa kabila umano ng pagkabigo ng HDRI at FCI’s na magsumite ng affidavits kaugnay sa relasyon nito kay Furigay, ini-award pa rin umano ng lungsod ang kontrata.

Dahilan upang hindi na pahintulutan ng Commission on Audit (COA) ang pagbabayad noong Hunyo 2012 at inutos ang madaliang refund.

Sa desisyon ng Ombudsman, nakasaad na pawang may pananagutan ang mga nabanggit na respondents.

“The impression that suppliers who have a relationship with the procuring entity are given preference, and the appearance of unlawfulness or impropriety that arises when purchase transactions are entered with them, should have cautioned respondents to be extra careful with their actions,” ayon sa Ombudsman. (Eralyn Corvera-Prado)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?