33

By ,

Basilan Steel swak sa 3X3 Patriot’s Cup

Ang Basilan Steel ang kukumpleto sa 12 tropa na sasabak sa darating na Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Patriots’ Cup na magdi-dribol ngayong Hunyo 16, Linggo sa SM Seaside City Cebu.

Ang Patriots’ Cup ang pangalawang conference ng Pilipinas 3×3 league, na isang import-laden na conference.

“Actually sa Basilan, we are so excited to join Chooks 3×3. Ang tagline kasi namin ngayon sa Basilan is that we want to redefine Basilan,” sabi ni Basilan team manager Jackson Chua.

“Nakita namin yung reach ng liga natin, ang lawak ng market ng nanonood sa kanya. Sakto siya sa goal namin.”

Papalitan ng Basilan ang franchise ng Pasay Voyagers.

Pangugunahan ni Troy Rike ang Steel at makakasama niya rito sina dating Voyager na si Roosevelt Adams, Franky Johnson at ang American import na si Marcus Hammonds.

“Puro Fil-Am kasi yung 3×3 sobrang physical and good one-on-one players. We looked for versatile players and sila yun,” dagdag nito.

Ang Basilan ang ikalawang tropa mula Mindanao kasama ang Zamboanga Valientes, na una ng nagpakitang-gilas sa inaugural league may ilang buwan na ang nakararaan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?