62

By

Bashers nina Luis-Jessy natakot kay Ate Vi

Walang lugar ang galit, inggit sa wall ni Luis Manzano sa Instagram. Puro love, love, love, nga ang masisipat mo sa ngayon.

Kung inggitero o galit ka, naka-block ka agad. At kung palaban ka, make sure na kaya mong panindigan.

Well, sa latest photos na pinost ni Luis, nahiya siguro ang bashers na manlait pa, dahil kasama ni Luis ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola, at siyempre ang nirerespetong mommy niyang si Cong. Vilma Santos.

Parang bigla ngang napipi ang bashers, o baka natakot nga kay Cong. Vi na mag-comment ng masasakit, kaya puro positive ang mababasa mo, ha!

“One of the best gifts I received this Christmas is being able to take a step back and be thankful to be part of these families. So many good things may come my way but these people are the biggest blessings I can ever receive! Merry Christmas from all our families!!” sey ni Luis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?