By

Bashers ni Albayalde sa FB, tukoy na

Sharing is caring!

Kilala na ni Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde ang bashers niya sa Facebook account na Buhay Lespu.

Hayagang sinabi ni Albayalde na pawang mga pulis ang mga ito na gumamit lamang ng pangalan ng kanilang mga kamag-anak.

Kaya utos niya sa Directorate for Personnel and Records Management, papuntahin mismo sa kanya nang personal sa Lunes ang bashers na pulis.

Posible aniyang makasuhan ang mga ito ng insubordination.

Nakasaad sa Facebook account na Buhay Lespu na minumura si Albayalde ng users dahil sa ginagawa nitong surprise inspection sa mga police station noong siya ay NCRPO director pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?