157

Nov 6, 2017 @ 13:14

Bashers ng mga senador sa Atio hazing case, binanatan ni Lacson

Sinita ni Senador Panfilo Lacson ang mga “bashers” na umuupak sa kanya at iba pang senador dahil sa paglahok sa mga pagdinig ng Senado ukol sa pagkamatay ni Horatio “Atio” Castillo III sa hazing rites ng Aegirs Juris fraternity.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na kaniyang pinamumunuan, sinabi ni Lacson na walang mapapala sa pagbanat sa kanya at mga kapwa senador.

“Bashing and cursing some members of this committee, this chairman included, through social media will not help your case any, at least as far as this forum is concerned,” diin ni Lacson.

Mariing sinabi ng senador na wala naman silang pinapanigan sa Senate investigation kundi ang katotohanan.

“If some quarters perceived this committee as taking sides in its proceedings, it’s only because we’re siding with the truth. Nothing less, nothing more,” dagdag ng senador.

Para sa pagdinig ng Senado, pinadalhan ng subpoena ang 31 kasapi ng Aegis Juris fraternity.

Kabilang dito ang mga frat members na kasama sa initiation rites para kay Atio at ang mga abogado na nag-usap sa isang Facebook chat group ukol sa binalak na cover-up sa nangyari kay Atio. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?