8

By

Baser Amer pasiklab sa playoffs, Player of the Week sinungkit

Sharing is caring!

Dumaan sa butas ng karayom ang Meralco Bolts para makapasok sa semis, at isa sa mga nagbida sa sunod-sunod na do-or-die game ng koponan ay si Baser Amer.

Mas lalong tumikas ang performance ni Amer sa playoffs, sapat para hiranging Cignal-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggong Nobyembre 5 hanggang 11 sa 2018 Governor’s Cup.

Sa kanilang huling tatlong laro, ang 26-anyos na guard ay nagbubuslo ng 16 points, 4.2 rebounds at 4.2 assists na average.

Naharap sa twice-to-beat disadvantage ang Meralco kontra Phoenix, sa unang game ay pinuno ni Amer ang stat sheet tangan ang 14 points, apat na rebounds, at anim na assists para sa winner-take-all match.

Matapos nito ay nagtuloy-tuloy pa rin ang ratsada ni Amer, giniya ang Botls sa 108-103 win kontra Fuel Masters na umiskor ng 26 puntos, kasama ang pandiin na dalawang tres sa overtime.

Sa semis, tila walang kapaguran si Amer na nilaro ang ikatlong laro sa loob ng limang araw, wagi sa Alaska, 97-92, hawak ang 14 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at isang steal para mapalapit sa pangatlong sunod na finals stint.

Inungusan ni Amer para sa nasabing weekly citation sina Chris Newsome, Paul Lee ng Magnolia, Japeth Aguilar ng Ginebra, at Vic Manuel ng Alaska.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?