88

Jun 23, 2022 @ 17:50
By

Baser Amer nagpatali na

Ikinasal na si Blackwater Bossing guard Baser Amer.

Ibinahagi ni Amer sa kanyang mga IG story ang ilang larawan mula sa kasal nila ni Justine Balgan.

Bukod sa mga kaibigan at kapamilya, dumalo rin sa kasalan ang ilang sports personality.

Noong 2020 pa na-engaged si Amer kay Balgan. Inilarawan ni Amer si Balgan bilang kanyang pamilya, best friend, taga-suporta at adviser nang lumipat siya mula Davao pa-Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?