45

By

Basehan sa kanselasyon ng klase, palitan na – solon

Sharing is caring!

Lipas na umano at dapat nang palitan ang Executive Order 66 noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sinusunod sa kanselasyon ng klase tuwing may bagyo.

Ayon kay 1-Ang Edukasyon partylist Rep. Salvador Belaro, iba na ang panahon ngayon dahil kahit walang bagyo ay malalakas ang pag-ulan na nagdudulot din ng matinding pagbaha.

“We have more extreme weather events now than ever before because of global warming and climate change. Monsoon rains do not have storm warning signals,” sabi ni Belaro.

Inirekomenda ni Belaro na ipasa na sa Kamara at gawing template sa suspensiyon ng klase at trabaho ang House Bill 6072.

Nakasaad sa panukala na puwedeng i-update o baguhin ang template ng mga weather scientist at disaster preparedness experts depende sa lakas ng ulan, dami ng tubig, pagtaas ng tubig-ilog at pagbaha gamit ang monitoring devices.

“For example, updates based on rainfall predictive models and remote river monitoring devices can serve as bases for LGUs, Malacañang, and the education agencies for declaring suspensions. Rain gauges can also be deployed nationwide to help LGUs monitor their local weather,” paliwanag ni Belaro.

Sabi ng kongresista, ang bagong template ay hindi lamang para sa pagsukat ng tindi ng pag-ulan o bagyo para sa suspensiyon ng pasok kundi gagamitin din para sa ibang kalamidad tulad ng lindol, landslides, tsunami, storm surge, toxic chemical spills, sunog at maging sa mga insidente tulad ng hostage-taking, kidnapping, terrorism, at state of emergency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?