27

Basehan ng Martial Law extension, recycled! – Lagman

Sharing is caring!

Nanindigan si Albay Representative Edcel Lagman na nagamit na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang justification nito para sa ikatlong extension ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Lagman na siyang principal petitioner sa Martial Law extension sa Korte Suprema, “recycled” na ang ibigay na mga dahilan ng administrasyon dahil kapareho lang ito ng mga ibinigay na dahian sa pagpapalawig noong nakaraang taon.

Ibig sabihin ay wala aniyang sapat na basehan ang gobyerno at ipinaubaya lang sa supermajority coalition sa Kamara ang kapalaran ng batas-militar.

Kabilang sa mga iginigiit ni Lagman na kapareho ng paliwanag noong ikalawang extension ay ang nakasaad sa request letter na mayroong nakamit na significant progress mula nang kontrolin ang rebelyon.

Wala rin anyang nagbago sa mga target elements gaya ng Daulah Islamiyah, Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Dagdag pa ng kongresista, mismong ang pamahalaan na ang umamin na pumalpak ang rebelyon ng Communist Terrorist Group kaya hindi ito magagamit bilang rason sa Martial Law extension.

“The alleged “rebellion” of the CTG cannot justify the extension of martial law because no less than the Duterte administration has branded the “50-year” rebellion of the communist insurgents a “dismal failure,” sabi ni Lagman.

“The mere mention of the word “rebellion” in said letters in a generalized manner has no probative pedigree,” dagdag ng mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?